Showing posts with label Rey Valera Lyrics. Show all posts
Showing posts with label Rey Valera Lyrics. Show all posts

Mahal Pa Rin Kita

Mahal Pa Rin Kita
By Rey Valera

Di ko man maamin sa aking puso
Di na nararapat ngunit bakit ganito
Hanggang ngayo'y nasa sa puso'y ikaw lamang
Kahit na nga mahabang panahon na'ng nagdaan

Ako ba'y nagsisi't hinayaang mawala
Nalimutan ko na bang ako'y 'yong pinaluha
Ikaw kaya'y gano'n din at minsa'y dumaraan
Sa isip mo'ng tamis ng dating pagmamahalan

Di na maaaring magbalik ating nakaraan
Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin ay
Di maamin sa (puso't) (aking) damdamin
Ikaw pa rin
Mahal pa rin kita

Minsan sa 'king pagtulog panaginip ka
Ang puso ko'y hindi pa rin mapahinga
Akala mo'y wala na
O kung alam mo sana
Hindi pa rin nagbabago
Pag-ibig ko sa 'yo

Saan man ako maparoon
Dumaan man ang ilang panahon
Ikaw pa rin ang alaala
Alam mo ba, alam mo ba

Mahal pa rin kita...

Naaalala Ka

Naaalala Ka
By Rey Valera

Kahit na magtiis nang matinding dusa
Kahit apihin mo ang aking pagsinta

Laging ikaw rin ang mamahalin tuwina
Giliw, sa buhay ko\'y ikaw ang pag-asa

Habang nag-iisa sa gitna ng lumbay
Habang pag-ibig ko\'y iyong sinasaktan
Manalig sana ikaw lamang
Ang tangi kong minamahal...
(Ooh-ooh...)
(Instrumental)

Laging ikaw rin ang mamahalin tuwina
Giliw, sa buhay ko\'y ikaw ang pag-asa

Habang nag-iisa sa gitna ng lumbay
Habang pag-ibig ko\'y iyong sinasaktan
Manalig sana ikaw lamang
Ang tangi kong minamahal...