Tunay Na Ligaya | Famous Lyrics Collections
Famous Lyrics Collections: Tunay Na Ligaya

Tunay Na Ligaya

Tunay Na Ligaya
By Ariel Rivera

Di ko pansin ang kislap ng bituin
Pag kapiling ka, sinta
Kahit liwanag ng buwan sa gabi
Di ko na masisita
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko...

Di ko pansin ang bango ng Jasmin
Pag kapiling ka, sinta
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas hindi matataranta
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
At ikaw nga, tanging ikaw, sinta

Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
(Hooh...)

Di ko pansin ang bawat sandali
Pag kapiling ka, sinta
Bagyo't ulan, kidlat o kulog man
Di ko napapansin, sinta
Iisa lamang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailanma'y makapiling ka

(Ikaw ang tunay na ligaya)
(Tanging ikaw, sinta)
Tanging ikaw...
(Umaga, hapon, kahit magdamag)
(Laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa sa piling mo
(Ikaw ang tunay na ligaya)
(Tanging ikaw, sinta)
Tanging ikaw...
(Umaga, hapon, kahit magdamag)
(Laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa sa piling mo...

Related Posts